Prince and Princesses of My Nation

Font size: - +

Introduction

It's been a day since the tradition at nung may dumating na itim na lalaki para sirain ang event. Nasaksak niya si Jethro pero sa ngayon, buhay na buhay siya dahil nang tuluyang natunaw ang yelo sa kanyang puso, nabuhay siya muli. Hindi nila alam kung paano nangyari ito basta sa ngayon, nabubuhay siya na wala nang yelo sa puso niya pero kasama rin dito ang pagkalimot ni Jethro sa kanyang nararamdaman para sa ating bida.

Akala ni Yani magiging okay na ang lahat pagkatapos nun. Naging okay naman para sa iba, sa kanya lang hindi. Nang dahil doon, naging buo ang kanyang desisyon na umalis ng Eullenuum Nation, tulad ng sinabi niya sa meeting.

Nakaimpake na siya at lahat-lahat, handa nang iwanan ang lugar na minsan naramdaman niyang nabilang siya at nagmahal. Handa niya nang iwanan ang lahat ng mga alaala, masaya man o malungkot at wala nang makakapagpigil sa kanya.

Tanging isang himala lang ang maaaring magbago ng desisyon niya… at hindi niya inaasahan ang susunod na mangyayari.

Biglang dumating si Aes sa kwarto niya na humihingal pa para lang isama siya sa kanilang meeting tungkol sa pagpili ng next 'heir of the throne'. Nagtaka naman si Yani dahil wala naman siyang alam tungkol duon pero sumama pa rin siya dahil sa utos nila.

Walang nakakuha ng ibig sabihin ng code na nakasulat sa Last Testament ni King Gabi ngunit may nakitang liham si Aes sa isa sa mga cabinet ng opisina ni King Gabi na may parehas na code na sinulat ni King Gabi.

Binuksan nila ito at nakasulat dito na ang next 'heiress' ay si Yani. Nagulat sila at nagdebate pa ang mga prinsipe dahil sa nakasulat. Sinabi rin ni Yani na hindi niya matatanggap ang posisyon dahil wala rin siyang kaalam-alam kung paano mamuno pero dahil sa sinabi ng isa sa mga prinsipe, at hindi lang kung sino-sinong prinsipe…

Ang sabi ni Jethro ay hindi mali na pinili siya ng yumaon nilang ama dahil naisip niya na kung isa sa kanila man ang napili, paano na ang cabin na pinamumunuan nila? Dahil duon, tumigil din ang awayan at tingin ni Yani na wala na siyang takas sa posisyon na ibinigay sa kanya ng yumaong hari.

Nakalagay din sa liham na ang petsa na 'April 1' ay ang coronation ni Yani, isang linggo sa kasalakuyan. Napagusapan ng walong prinsipe na sa isang linggo na yun, magtutulungan sila para turuan si Yani kung paano maging prinsesa sa kanilang nasyon ngunit sa isang linggo rin na yun...

…napansin niya na may nakilalang mga babae ang prinsipe at hindi sila karaniwang mga babae lamang kaya bigla siyang napaisip.

Paano kung isuggest niya na kumuha rin ng mga prinsesa na tulad niya na tutulong sa mga prinsipe na mamuno ng kanilang nasyon?

Pwede naman yun dahil sa siya naman na ang prinsesa ng nasyon nila di ba?



Elyaniru

#152 at Romance
#17 at Inspiration romance
#50 at Fantasy
#27 at Romantic fantasy

Text includes: love, short stories, humour

Edited: 18.01.2019

Add to Library


Complain