Where I Belong

Font size: - +

Earth and Air

Chapter 12

Hindi nagdalawang isip si Pearce na pumasok sa napaka kapal na fog at may kung anong hinahanap. Mabilis mawala ang tao sa kapal ng fog kung nasaan siya pero mabuti nalang at matalas ang mga mata niya dahil may nakita siyang anino. Agad niya itong nilapitan at nakita ang prinsesa na nakaupo sa isang bench. Pagkalapit niya, napaangat agad ng ulo ang prinsesa at nagulat. 

"Pearce" pagkabigla niyang saad at halata sa kanyang mga mata ang pighati na kanyang nararamdaman. 

Binalikan lang siya ng isang blankong tingin ni Pearce pero agad namang umiwas ng tingin ang prinsesa habang pinupunasan ang kanyang mukha. 

"Bakit ka nandito? Nawawala ka ba sa kapal ng fog?" singhot ni Jessy.

Pearce looked at her for a while. "Ikaw, nawawala ka ba?" pabalik niyang tanong na ikinagulat ni Jessy. 

She looked at Pearce at sabay namang nahulog ang mga luha na kanyang pinipigilan dahil lang sa tanong na iyon. 

"Hi-hindi ah" sagot niya habang humihikbi. "Nakita ko nga siya kanina eh na may kasamang babae. Hindi niya naman ka-date, isa lang naman siya sa mga customer niya at ang galing nga eh dahil regular customer niya siya..." 

"Pinakilala niya pa nga sa akin dahil ako yung girlfriend niya at para hindi raw ako magselos. Di ba dapat masaya ako duon? Pero bakit ganun? Bakit nag-fo-fog? Traydor naman ang fog na ito" full of sarcasm na saad ni Jessy. 

Nakatayo lang si Pearce sa harap niya na nakikinig. 

"Nakakainis kasi eh. Akala ko ba date namin ito pero bakit may third wheel pang kasama? ..." she paused.  "Third wheel huh... ang totoo niyan... kanina, kung nakita mo lang, hindi naman siya ang third wheel eh kasi ang sweet nila. Sila ang nilalanggam ng mga oras na yun at ang dami pa nilang alam tungkol sa fashion habang ako, nakikinig lang at walang masabi dahil wala naman akong alam sa pinag-uusapan nila..." 

Mas lumakas ang paghikbi ni Jessy. "Buti pa siya ang ganda niya at nagagawang pasayahin si Edmondo habang ako... habang ako...*hik*" she covered her face using both of her hands. "Ano ba ako sa buhay niya?"

Pinanuod lang siya ni Pearce na umiyak at mayamaya, naglabas siya ng buntong hininga. 

"Hindi ko maintindihan ang ibig mong sabihin na wala kang alam sa mga damit pero..." Pearce looked away. "...sabi naman ni Eddie na maganda ka" 

Bahagyang nagulat si Jessy sa sinabi ng kausap at tumingin sa kanya na puno ng pagtataka kahit basang-basa ang mga mata niya. 

"Hah? Eddie?" nagtatakang mga tanong ni Jessy. "Edmondo ang pangalan niya hindi Eddie kaya sino si Eddie?"

"Eddie ako" walang buhay na sagot ni Pearce. 

There was an awkward silence between them pagkatapos sabihin yun ni Pearce. 

"Hah? Eddie ako? Anong..." nagtaka sa una si Jessy pero hindi rin nagtagal nang may ngiting umukit sa kanyang labi. "Teka, nagpapatawa ka ba?" 

"Tss" sabay tumingin sa ibang direksyon si Pearce.  

"Pfft hahahaha" tawa ni Jessy. "Grabe ang corny mo Pearce hahaha pero hahaha badtrip nakakatawa talaga yung mukha mo nang sabihin mo yun hahaha"  

Unti-unting nawala ang fog sa paligid nila. Nang medyo luminaw ang paligid, Jessy stopped laughing and looked at Pearce with a bright smiling face. 

"Salamat ah. Kahit papaano napagaan mo ang damdamin ko" ngiti ni Jessy. 

Pearce just kept looking away from her dahil hindi rin siya makapaniwala na nagawa niyang magsabi ng biro pero bigla nalang tumayo si Jessy at hindi inasahan ni Pearce ang susunod na mangyayari kaya siya nagulat. Jessy just gave him a hug. 

"Cheesy ka pala" bulong ni Jessy sa kanya. 

Pearce didn't gave back the hug at hindi dahil sa ayaw niya kundi dahil nanatili pa rin siyang gulat because he saw someone watching them and out of all the people to see them like that... 

"Jessy?" 

Humiwalay sa yakap si Jessy para tignan ang tumawag sa kanya at nagulat nang pagkalingon niya. 

"E-Edmondo" 

There was silence between the 3 of them at hindi pa rin natatanggal ang gulat sa mukha ni Pearce. Between you and me, kahit alam na nating lahat na darating na ang sitwasyong ito, hindi pa rin maiwasang magulat si Pearce... pero alam niyo ba kung anong mas nakakagulat? 

Nakatingin lang si Edmondo pabalik sa kanila at mayamaya lang, linapitan niya si Pearce.  

Dahil sa tingin ni Jessy ay hindi maganda ang kalalabasan, "Edmondo, it's not what you think—" 

Napatigil nalang siya nang tapikin lang ni Edmondo ang balikat ni Pearce. 

"Thanks man" he sincerely said. 

Ayan! Ayan ang nakakagulat kaya pati ang dalawa hindi maipaliwanag ang mukha habang nakatingin lang sila kay Edmondo. 

"Thanks for what?" hindi makapaniwalang tanong ni Pearce. Hindi nga rin siya makapaniwala na nagawa niyang magtanong.

Edmondo gave him a smile at binaba din ang kanyang kamay pero lumipas na ang ilang oras, hindi siya umimik kaya nagtinginan pa si Pearce at Jessy habang nagtataka. 

"You see..." simula ni Edmondo. "...Jessy is a very special girl. She loves sports and very cheerful as you can see" 

Bahagyang nagulat si Jessy sa narinig at napangiti  pagkatapos. 

"And you know what's make her even special?" dagdag ni Edmondo. "Her emotions mostly depend on a special air called the fog. Whenever she's sad or in sorrow, fog would start to appear wherever she is and would grow thicker whenever she cries and the only solution for it to disappear is to make her happy. It's so unusual and interesting for an air person to have an ability like that" binigyan niya pa ng tingin si Jessy while he's smiling habang hindi rin nawawala ang ngiti sa labi ni Jessy... 



Elyaniru

Edited: 18.04.2019

Add to Library


Complain