Where I Belong

Font size: - +

Now I Realized

Chapter 24

Paano nga ba siya nakarating sa kinalalagyan niya ngayon? Pagkatapos niya lang asikasuhin ang emergency sa kanyang special room, at dumiretso sa underground meeting room at nakitang wala ang mga prinsipe at prinsesa roon... paano siya nakarating sa isang kulungan ngayon?

"Good thing you came on time Elesa" bungad ng isang boses nung nasa loob na siya ng meeting room. "I've been waiting on you"

Galing ito sa likod ni Elesa kaya nagulat siya dahil kahit hindi siya lumingon, kilala niya ang boses na iyon kaya para siyang nanigas sa lugar niya... and the next thing she knew, nakagapos na siya.

Unti-unting bumangon si Elesa mula sa pagkakahiga niya sa sahig ng kulungan habang hawak-hawak ang kanyang ulo.

"Don't waste your energy trying to break free" saad ng blue shadow. "You're my prisoner now and out of all the princesses here in your nation, you're the only one missing"

Tumalikod ang lalaki sa kanya. "Come dear. Your prince is waiting"

Kumuha siya ng lakas para lang makatayo kahit masakit ang katawan niya pagkatapos siyang itulak paloob.

"I know what you are thinking" the blue shadow said sabay hinarap niya si Elesa na nakagapos at nakaupo sa sahig. "You only made one cage but you've seen so many. But seeing the prisoners at each cage, I hope that's enough explanation for you to know what my goal really is. Besides, you know how it works right?"

Elesa looked back at him with fear in her eyes habang binabalikan pa rin siya ng ngisi niya through his eyes.

"It's your mistake dear that you left the cage to me, but don't worry..." sabay bumukas ang pinto ng katabi nilang cage. "I'll let you know if the cage you made works"

Kaya ayan, we are now in the current situation where Elesa is trapped inside the same cage as where every prince and princesses are trapped too. Nang makatayo din agad si Elesa at ipagpag ang kanyang suot na palda,

"Femme" sabi ng boses kaya nagulat si Elesa at napatingin sa nagsalita na lumalapit sa kanya.

"Is that you?" tanong niya sa kanya.

Hindi naman umimik si Elesa at napatulala nalang pabalik sa kanya. Bigla nalang ngumiti si Zoltar sa kanya.

"It is you. I'm glad you're safe"

Hindi na niya alam ang mararamdaman niya sa sitwasyon niya ngayon because out of all the victims in this situation today, siya lang ang may alam sa nangyayari ngayon.

This is the plan. Ginawa niya ang cage na ito dahil sa lalaking kaharap niya ngayon. Para pag iimbitahin niya ang lalaking ito papunta sa cage na ito, kahit ibang babae ang nakikita niya sa kanya, okay lang sa kanya basta gusto niya lang maramdaman na minsan, may ganun ding pagtingin ang lalaking minsang minahal niya sa kanya.

Ganun siya kadesperada sa kanya. Simula nang makarating kasi siya sa nasyon nila, alam niya sa sarili niya na gusto niya ring tumakas paalis ng nasyon... pero dahil sa taong kaharap niya, nakumbensi siya ng di oras na manatili. Makita niya nga lang ang mukha ng lalaking ito, sapat na rason na iyon para hindi na siya magdalawang isip na umalis ng nasyon nila.

Nung mga oras na iyon, hindi niya namalayan na unti-unti na siyang may pagtingin sa kanya at minsan inisip niya na gusto niyang nasa tabi lang siya ng prinsipeng ito lagi kaya ginawa niya ang lahat para karapat-dapat na mapili siyang assistant niya. Ang saya niya nga eh nung araw na siya ang napili. Naging motivated siya bawat araw kahit medyo mahirap maging assistant ng isang tulad niya pero nawawala ang lahat ng pagod na iyon tuwing sinasabihan lang siya na 'Good Job!'

Madaming babae ang madaling paikutin sa mga galaw ng isang lalaki and Elesa is no exception at mas lalo lang lumaki ang nararamdaman niya sa kanya nang mag-agree sila na dapat, bilang assistant niya, siya lang tatawag ng 'Sir' sa kanya. Ang rason niya lang naman kaya nangyari iyon ay dahil nagsasawa na siya sa tawagang 'your highness' pero para kay Elesa, pakiramdam niya special siya kaya nangarap at naniwala siyang someday mamahalin din siya pabalik ng 'prinsipe ng buhay niya' pero umabot na ito ng tatlong taon at wala namang nangyari.

Nang dumating si Yani sa nasyon, dahil sa kanya, naudyok siyang sabihin na ang kanyang nararamdaman para sa kanya pero kahit ang simpleng sumingit lang si Yani na sabihin ang pangalan ni Femme sa kanya, hindi niya maiwasang masaktan at pakiramdam niya, tinraydor siya ni Yani.

Ang sakit na nga na nakita niya na natuto ang scientist na prinsipeng ito na magkagusto sa isang babae na hindi naman siya ang babaeng iyon, dagdag mo pa ang pagkakatraydor ng taong minsan tinawag niyang kaibigan kaya yung mga oras na iyon, wala siyang rason para 'i-let go' lang ang nararamdaman niya sa kanya dahil alam niyang mas matimbang siya kaysa sa isang water girl.

Kaya nang bigyan siya ng option na gumawa ng ganitong cage, hindi na siya nagdalawang isip na gawin niya nga iyon kaya dapat... dapat ginugusto niya ang nangyayari ngayon... na nasa harap na niya ang prinsipeng hindi niya papakawalan.

Pero pagkatapos ng lahat ng nangyari recently lang... at nang dumating ang lalaking iyon sa buhay niya, she can't help but give Zoltar a smile first at iangat ang kanyang dalawang daliri diretso sa kanyang noo...

Zzt. She released a special electricity in her fingers that made Zoltar fall down and lie on the floor, unconscious. Buti nga taong kuryente rin si Zoltar kaya walang problema kahit ginawa niya iyon to make him unconscious. Mabuti na nga ito... bago pa umepekto ang cage sa kanya. She's the one who made it anyways that's why she knows the loop holes. Napatingin muna siya sa nakahigang prinsipe sa harap niya bago napadako ang tingin niya sa wall ng kulungan nila.



Elyaniru

Edited: 18.04.2019

Add to Library


Complain